III-E Charles de Gaulle-'07

Very makulit.. But loving.. wEEeh!! all III-E are going to meet here, chat and check everything.. waha! And our tender loving care mother MS.NONIE is also part of this!!
 
HomePortalCalendarGalleryFAQSearchRegisterMemberlistUsergroupsLog in
Share | 
 

 script in filipino

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
febie



Number of posts: 19
Localisation: † wOoDeStAtE †
Registration date: 2007-07-13

PostSubject: script in filipino   Sat Jan 26, 2008 1:36 pm


SCENE 1 Isang Salu-salo

PADRE DAMASO (rex): Hindi ba ninyo batid na marami sa mga Indiyo ang mangmang?
LARUJA (embradura): Padre Damaso, hindi rin ba ninyo batid na nasa tahanan tayo ng isang Indiyo?
PADRE SIBYLA (carlo): Maaaring masaktan mo si Kapitan Tiyago.
DAMASO (rex): Hmp! Matagal nang ipinagpalagay ni Tiyago na siya’y hindi isang Indiyo. Inuulit ko, wala nang makakatalo sa kamangmangan ng mga Indiyo!

*Biglang natigil ang usapan nang dumating si Kapitan Tiyago kasama si Crisostomo Ibarra.*

TIYAGO (echo): Mga kaibigan, ikinagagalak kong ipakilala sa inyo, ang dahilan ng pagsasalong ito...ang anak ng nasira kong kaibigan, si Don Crisostomo Ibarra. Kararating lamang niya mula sa Europa.
CRISOSTOMO (rolan): Buenos Noches Amigos. Sa mga kura sa aking bayan...at sa matalik na kaibigan ng aking ama, Padre Damaso (hindi pinansin) ...patawarin po ninyo ako sa aking pagkamamali.
DAMASO (rex): Hindi ka nagkakamali. Ako nga si Padre Damaso, ngunit kailanma’y hindi ko naging matalik na kaibigan ang iyong ama.
TINYENTE GUEVARRA (hein): Kayo na nga ba ang anak ng yumaong si Rafael Ibarra?
CRISOSTOMO (rolan): Sa inyong lingkod, Señor Tinyente.
TINYENTE GUEVARRA (hein): Maligayang pagdating. Nawa’y mas maging mapalad kayo kaysa sa inyong ama.
CRISOSTOMO (rolan): Maraming salamat po.
UTUSAN (jn): Nakahanda na ang hapunan!

*Ang mahahalagang tauhan ay patungo na sa hapagkainan. Hindi sinasadyang naapakan ni Tinyente Guevarra ang laylayan ng bestida ni Donya Victorina*

VICTORINA (sheila):Wala ka bang mga mata?
TINYENTE GUEVARRA (hein): Mayroon po, Señora. Mga matang mas malinaw pa kaysa sa inyo. Ngunit ako ay nakamasid sa kulot ninyong buhok.

Sa hapagkaianan.

LARUJA(embradura): Señor Ibarra, sa halos pitong taong ninyong pamamalagi sa ibang bansa, ano’ng pinakamahalagang bagay ang nakita n’yo?
CRISOSTOMO(rolan): Nang natutunan ko ang kasaysayan, nalaman kong ang kalayaan o ang pagkaalipin ng isang bansa ang nagdidikta ng kasaganahan o paghihikahos nito.
DAMASO(rex): Nagawa mong lustayin ang iyong yaman para lamang diyan? Wala ka na bang nakitang mas mahalaga? Isa kang bulag! Kahit ang isang bata’y alam iyan.
CRISOSTOMO(rolan): Nagpapasalamat ako’t palagay ang loob ng dating kura sa akin. Nawa’y ipagpaumanhin ninyo ako. Kagagaling ko lamang sa mahabang biyahe at may aasikasuhin pa ako bukas. Para sa España at Pilipinas!
TIYAGO(echo): Huwag ka munang umalis, darating pa si Maria Clara.
IBARRA(rolan): Bibisitahin ko po siya bukas. Sa ngayon ay may importante pa akong dapat gawin.

Nakaalis na nga si Ibarra.

PADRE DAMASO(rex): Nakita na ninyo? Ganyan ang nangyayari sa mga kabataang ipinapadala sa Europa! Nagiging mayabang at mapagmataas! Kaya nararapat lamang talagang ipagbawal na ang pagpapadala ng mga kabataan sa Europa!

End of Scene.


SCENE 2 Erehe at Pilibustero

Sa kalyeng maraming tao, abala si Ibarra sa kaiisip habang siya’y naglalakad. Bigla siyang napahinto nang may kamay na pumatong sa kanyang balikat.
Back to top Go down
View user profile http://annexin.multiply.com , http://www.friendster.com/makikoko
 

script in filipino

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

 Similar topics

-
» Seven Psychopaths Script Pdf
» Script Tutorial
» Symbols and fancy script
» The Script - Science & Faith (2010) FLAC
» Wonder Woman Pilot Script - All McBeal In The City....

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
III-E Charles de Gaulle-'07 ::  :: -