III-E Charles de Gaulle-'07

Very makulit.. But loving.. wEEeh!! all III-E are going to meet here, chat and check everything.. waha! And our tender loving care mother MS.NONIE is also part of this!!
 
HomePortalCalendarGalleryFAQSearchRegisterMemberlistUsergroupsLog in

Share | 
 

 no.2

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
febie

avatar

Number of posts : 19
Localisation : † wOoDeStAtE †
Registration date : 2007-07-13

PostSubject: no.2   Sat Jan 26, 2008 8:37 pm


TINYENTE (hein): Señor Ibarra.
CRISOSTOMO(rolan): Tinyente, kayo pala. Ginulat po ninyo ako.
TINYENTE(hein): Mag-ingat kayo, Señor. Maging aral sana sa inyo ang nangyari sa inyong ama.
CRISOSTOMO (rolan): Tila may nalalaman kayo tungkol sa pagkamatay ng aking ama. Maaari ba ninyong sabihin sa akin?
TINYENTE (hein): Wala ba kayong nalalaman? Sa pagkakaalam ko, namatay ang iyong ama sa loob ng bilangguan.
CRISOSTOMO (rolan): Sa bilangguan?! Nakulong po ang aking ama? Hindi kaya kayo’y nagkakamali lamang?
TINYENTE (hein): Hindi ako maaaring magkamali. Ang iyong ama ay namatay sa bilangguan. Si Rafael Ibarra, siya na pinagbintang erehe at pilibustero ni Padre Damaso.
CRISOSTOMO (rolan): Maaari ba ninyong sabihin sa akin ang buong pangyayari? Bakit po siya nakulong?
TINYENTE (hein): Noon ay mayroong isang Kastilang mangmang at masama ang ugali na naging kolektor ng buwis. Nang siya’y nangongolekta, minsan siyang napagkatuwaan ng mga bata…

Flashback:
Naglalakad ang kolektor dala-dala ang isang lapis at papel. Pinagtatawanan siya ng mga bata.

BATA 1(khlye): Ba-be-bi-bu-bo! Ha Ha Ha!
BATA 2 (Aubrey): Hindi ba’t hindi siya marunong magsulat? Para saan kaya ang lapis niyang dala? Ha ha ha!
KOLEKTOR (neil): Tigilan n’yo ko! Baka kung ano ang magawa ko sa inyo! Ano’ng sab
RAFAEL IBARRA (Carlo): Bitawan mo sila!

Tinulak ni Don Rafael ang kolektor ng buwis at ito’y nawalan ng balanse.

RAFAEL IBARRA(Carlo): Hindi ko mapapayagang saktan ninyo ang mga bata.

End of flashback.

TINYENTE(hein): Sa kasamaang palad ay ilang minuto lamang ay namatay ang kolektor. Dahil dito’y hinuli ang iyong ama at ikinulong. Tinakwil siya ng lahat, at pinagbintangan ng kung anu-ano. Dahil sa kabiguan niyang makalaya, nasira ang kanyang kalusugan at sa bilangguan na namatay.
IBARRA: Kaya pala... Kaya pala hindi sinabi ni Kapitan Tiyago ang dahilan... Ama ko...

End of Scene.


SCENE 3 Pagsusuyuan sa Asotea

MARIA CLARA (Pauline): Bakit kaya wala pa siya?

Sinilip ni Maria Clara ang bintana upang makita kung sino ang dumating. Nang nakita niya si Crisosotomo ay agad siyang tumakbo sa kanyang silid at nagpaganda. Pumasok naman si Crisostomo at siya’y sinalubong ni Tiya Isabel.

CRISOSTOMO(rolan): Magandang araw po, Tiya Isabel.
TIYA ISABEL(Theresa): Magandang araw din sa iyo iho.
CRISOSTOMO(rolan): Nandito po ba si Maria Clara?
TIYA ISABEL(Theresa): Maupo ka na lamang iho at tatawagin ko siya sandali.

Si Tiya Isabel ay kumatok sa pinto ng silid ni Maria Clara.

TIYA ISABEL(Theresa): Maria Clara, si Tiya Isabel mo ito.
MARIA CLARA(Pauline): Pasok po kayo, tiya.
TIYA ISABEL(Theresa): Iha, nariyan na si Crisostomo. Paghihintayin mo pa ba siya?
MARIA CLARA(Pauline): Hindi na po, Tiya.

Lumabas si Maria Clara.

CRISOSTOMO(rolan): Hindi pa rin kumukupas ang iyong ganda, Maria Clara.
Back to top Go down
View user profile http://annexin.multiply.com , http://www.friendster.com/makikoko
 
no.2
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
III-E Charles de Gaulle-'07 :: Everything... Anything... :: Theater-
Jump to: